Bakit madaming tao ang walang pakialam sa katotohanan? Dahil ba sa alam nila ay sapat na ang mga nalalaman nila? Akala nila ito ay katotohanan, pero sigurado ba sila na katotohanan ang kanilang mga napagaralan? Ang mga bayani bang kilala ntin ay bayani ba talaga? Ang historya ba ng ating bansa ay totoo nga ba talaga basi sa pagkakasunosunod nito? Pano kung ang mga sinasabing mabubuti ay ang mga masasama pala, at ang akala nting masasama ay ang mga nagtanggol at nagprotekta sa ating bayan? madaming sekretong tinatago ang ating paligid, ang ating nakaraan, at ang makapagbubunyag lamang nito ay ang kinabukasan sa pamamagitan ng tulong ng mga nakakatanda at mga kabataan.
Pano mo ba masaasabi ang katotohanan ay katotohanan na talaga? May ibat ibang pananaw ang mga tao dyan, may mga iba na kapag ito ay tama, katotohanan na ito sa kanila, ang mga siyentipiko naman ay nananaliksik at ang resulta nito ang siyang katotohanan. Ang iba naman ay dahil sa pananampalataya na dahil ito ang nakasulat sa ating banal na bibiliya. May mga nagsasabi din na dahil ito ang tinuro sa kanila ng kanilang mga ninuno at ito ay pinasa sa kanila sa bawat henerasyon.
Hindi lahat ng katotohanan ay tama. Madalas ang katotohanan ay mahirap tangapin dahil ito ay taliwas sa ating kalooban. Sa siyentipikong paraan naman, ang katotohanan noong nakaraan ay maaaring hindi na ang katotohanan sa ngayon. Isang halimbawa na lamang ay ang planetang pluto. Sinasabi nila na dati na ito ay isang planeta, gumawa sila ng pananaliksik at napatunayan nila ito. Ngunit tignan natin ngayon, ito ay hindi na tinuturing na isang planeta dahil sa mga ilang kadahilanan. Papaano kung ganoon din ang mga ibang bagay, ang araw pala ay hindi araw at ang mundo ntin ay hindi pala matatawag na mundo? Sumunod naman ay ang banal na bibliya, alam natin na ito ay ang katotohanan dahil ito ay ang salita ng diyos. Ngunit bakit may mga tinatagong kasulatan ang simbahang katoliko? Dahil ito ba ay makakasira sa atin pananampalataya? Mahalagang malaman natin iyon dahil iyon ang katotohanan. Ang paniniwala naman ay hindi basta basta maglalaho kahit na malaman mo ang katotohanan. Parang pag-ibig lamang iyan, kahit masasakit ang iyong mga nalaman na katotohanan ay tatangapin mo pa din siya dahil sa mahal mo ang taong ito. Ang mga bansa ay may ibat ibang pinagmulan at ibat ibang pinaniniwalaan. Sinasabi ng isa na ito ang katotohanan ngunit taliwas naman ito sa kabilang grupo na nagsasabing sila din ang nagsasabi ng katotohanan. Para lamang din iyang mga istasyon sa mga telebisyon, radyo, mga produkto at iba pa. Sinasabi nila na sila ang nangunguna at sila ang may pinakamagandang produkto. Pero ang katotohanan ay iisa lamang sa kanila ang tama. Iisa lang ang nasa tuktok. Kaya naman napakahirap pumili ng grupong iyong susuportahan, dahil sa tingin mo ba ito ang nasa tamang landas? O eto pala ay magdadala sa iyo sa kapahamakan?.
Kaya bilang kabataan, tayo ay nasa antas ng malawak ang pagiisip, ang makakatulong sa pagalam ng katotohanan ay ang katotohanan. Masakit mang isipin ngunit marami sa amin ngayon ang naliligaw ng landas. Nahahati ito ngayon sa maraming larangan. Kung ating titignan, karamihan sa kabataan ay walang pakialam, ika nga nasa “stage” ng paghahanap ng ibat ibang bagay, subukan ang mga mali subukan gawin ang mga bawal dahil sabi nga “mas masarap ang bawal”. Nakakalungkot man isipin e kahit saan makikita mo na ibig kong sabihin. Mga batang nagsusugal, nakikipaginuman, nakikipagsex, sa maling dahilan at maling paraan, pero ito ang katotohanan. Totoong masasaya at masasarap gawin ito, sa ngayon. Ngunit sa pagdaan ng mga araw ay magiiba ang katotohanan, puro paghihirap na ang kanilang pagdadanasan at ito din ay ang katotohanan.
Kaya naman gamitin natin sa tama ang ating angking lawak ng pagiisip, habang maaga pa ay magsaliksik na, dahil kahit pagtanda mo ay maaring d mo pa din mahanap ang sagot sa ating mga katanungan sa buhay,pero ang “bright side naman nito ay” kahit patay ka na ay may magtutuloy at magtutuloy ng ating sinimulan. Ang katotohanan ang makapagpapaplakas sa atin at sa mga susunod pang mga henerasyon.

bongga namang katotohanan yan c: nice work keep up
ReplyDeletena notice ko lang na your using improper words, like "ntin" etc. etc. jejemon stuffs.
*you're
Delete